
IMMS Business Solutions & Services
Tayo na sa Laguna!
Ang Bayan ng Nagcarlan ay isang ika-2 na klaseng o second class na bayan sa lalawigan ng Laguna. Ang bayang ito ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng Laguna malapit sa Bundok Banahaw at Bundok San Cristobal. Naging bayan ito noong 1583 at ipinangalan ito mula kay Ana Kalang, isang mayamang at matulunging babae sa bayan ng Nagcarlan.
Kilala ang bayan ng Nagcarlan sapagkat matatagpuan dito ang isa sa pinakalumang simbahan sa Laguna, ang St. Bartholomew Church o mas kilala bilang Nagcarlan Church. Ang simbahang ito ay ipinatayo noong 1752 na kapansin pansin naman sa makalumang disenyo nito. Pagpasok pa lamang ay iyong mapapansin ang disenyo sa harapan na may kalahating bilog na hugis arko at matatagpuan sa may pangunahing tarangkahan ng simbahan. Mayroon din itong hugiskalahating bilog na bintana, matataas na pedestals at mga haligi na matatagpuan namansa gilid na tarangkahan simbahan.
Dito rin matatagpuan ang Nagcarlan Underground Cemetery na mismong makikita sa ilalim ng kapilya. Ito ang nagsilbing libingan ng ilan sa mga mayayamang tao noong araw tulad ng cabeza de barangay at mga paring Espanyol sa sa bayan ng Nagcarlan.
Matatandaan na dito rin sa simbahang ito kinunan at ginanap ang teleseryeng “Kampanerang Kuba” ng ABS-CBN.
Mula sa Nagcarlan, magtungo naman tayo sa bayan ng Pagsanjan kung saan matatagpuan ang simbahan ng Nuestra Senora de Guadalupe. Ang Our Lady of Guadalupe Church sa Pagsanjan ay unang ginawa mula sa materyales na nipa at kahoy sa pangunguna ni Padre Agustin de la Magdalena noong 1687, ipinagawang muli noong 1690, isinaayos noong 1853, nilagyan ng karagdagang disenyo noong 1872 at nasira sa panahon ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay may disenyong nagmula pa sa panahon ng ika-tatlong antas ng maagang-Renaissance. Ang parokya ay kasalukuyang tahanan ng orihinal na estatwa ng Birhen ng Guadalupe . Ang imahe ay dinala pa sa Pagsanjan sa pamamagitan ng unang parokya pari ng bayan na si Padre Agustin de la Magdalena, na nagmula sa bansang Mexico.
Dumako naman tayo sa bayan ng Pagsanjan kung saan matatagpuan ang isa sa pinakakilalang talon sa bansa - Ang Pagsanjan. Ang 318-talampakang talon na may katutubong pangalan na Magdapio Falls ay isa sa mga pangunahing atraksyong panturista ng rehiyon .
Ang eksaktong lokasyon nito ay sa Cavinti Laguna . Ang talon ay nai- ipinahayag bilang pambansang atraksyon o parke noong ika-29 ng Marso 1939 sa ilalim ng pagpapahayag 392 at 1551 noong ika-31 ng Marso 1976. Mula noon kinilala ito bilang Pagsanjan Gorge National Park at sumasaklaw ng 152.64 ektarya . Ang talon ay mapupuntahan sa pamamagitan pagbiyahe sa ilog gamit ang isang bangka o canoe.
Magtungo naman tayo sa ika-apat na munisipalidad ng lalawigan – ang Liliw, Laguna. Ang Munisipalidad ng Liliw ay itinatag noong 1571 sa pamumuno ni Gat Tayaw . Ang maliit, tahimik at nakamamanghang bayan ay matatagpuan sa paanan ng Mt. Banahaw , 17 kilometro ang layo mula sa Santa Cruz , kabisera ng Laguna Lalawigan .
Ang lugar na ito ay kinikilala na mahusay pagdating sa mga cold water spring resorts, minatamis na lutong bahay at may kalakihan nitong industriya ng sapatos na maihahalintulad sa mga gawang sapatos ng mga taga-Marikina City.
Isa sa maipagmamalaking tanawin ng lalawigan ay ang bundok ng Makiling. Ang Bundok Makiling o Mount Maquiling sa Laguna ay isang maalamat na bundok na naging inspirasyon ng mga kwento, alamat at tula dahil sa babaeng naninirahan at pumoprotekta sa kabundukan nito – si Maria Makiling.
Sa katunayan, ang bundok Makiling ay isang hindi aktibong bulkan na tumataas sa humigit-kumulang na 1109 metro sa ibabaw ng dagat at nakatayo ng 3576 mula talampakan. Ang bundok ay perpekto para sa hiking , camping, trekking , mountain biking , at pag-aaral ng mga ibon . Humigit-kumulang 2,048 na species ng mga halaman ay maaari ding matagpuan dito.
Matatagpuan din dito ang Makiling Botanic Gardens na itinatag upang suportahan ang propesyonal na pagtuturo at pananaliksik na may kaugnayan sa panggugubat at halaman agham ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos. Ang MBG ay mainam ring puntahan upang magpahinga, maglibang, manaliksik, at kumuha ng litrato ng ibat-ibang uri ng halaman na sa bundok Makiling lamang makikita
Pagdating sa sa bayan ng Pila ay kapansin-pansin agad ang mga hilera ng mga lumang bahay na itinayo pa noong panahon ng Espanyol taong 1900. Ang bayang ito ay isang buhay na halimbawa ng isang Espanyol-kolonyal na bayan sa pamamagitan ng mga ika-16 siglong disenyo ng mga bahay dito. Sa kabutihang palad, nakaligtas mula sa mga pagsabog ang bayan noong ikalawang digmaang pandaigdig at napanatili ang mga lumang disenyong bahay kaya’t ang bayan ng Pila ay binansagang “Bayang Pinagpala” ng mga taong-bayan.
Dahil sa aming pagbisita sa bayang ng Pila ay nagkaroon kami ng ideya kung ano ang itsura noong panahon ng mga Espanyol. Ang bayan ng Pila lamang ang ika-apat na bayan sa Pilipinas na ipinahayag bilang isang makasaysayang lugar kasama ng Vigan sa Ilocos Sur, Silay City sa Negros at Taal sa Batangas.
Sa bayan ng din Pila matatagpuan ang simbahan ng San Antonio de Padua. Ang simbahan ay pinangalanang " San Antonio de Padua de Pila ", bilang isang pag-aalay sa ika-350 anibersaryo ng kamatayan ni St. Anthony of Padua. Marami pa ang dapat nating malaman tungkol sa simabahang ito ngunit mas mainam na kayo mismo ang makakita dahil ito ay tunay nga naming sulit na masaksihan, at ang pagaaral dito ay tunay na kawiliwili at kapana-panabik.